-- Advertisements --

Magkakampeon pa rin daw ang Los Angeles Lakers sa NBA para sa ‎2020-2021 season.

Ito ang lumabas sa survey ng lahat ng NBA managers.

Nasa 81 percent ng 30 mga managers ang naniniwala na uulitin lamang ng Lakers ang ginawa nilang pagkampeon.

NBA champions lakers

Nakakuha rin ng multiple votes ang ilang teams na magiging matinding karibal ng Lakers.

Kung maalala liban kina LeBron James at Anthony Davis lalo pang nagpalakas ng line up ang Lakers.

Pumapangalawa naman daw na babandera rin ngayong season ang LA Clippers nina Kawhi Leonard, pumapangatlo ang Brooklyn Nets nang nagbabalik na sina Kevin Durant at Kyrie Irving at ang Miami Heat na tinalo ng Lakers kamakailan sa Finals.

Samantala, hinulaan din ng mga team managers na ang Milwaukee Bucks forward na si Giannis Antetokounmpo ang inaasahan nilang makakasungkit ng ikatlong MVP award.

Pursigido ng husto ngayon si Giannis na makakuha ng kampeonato lalo na at pumirma siya ng limang taon na supermax contract na pinakamalaki sa kasaysayan ng NBA na umaabot sa $228 million.