Muli na namang ginulat ng Oklahoma City Thunder ang powerhouse team na Los Angeles Lakers makaraang ma-upset muli sa iskor na 107-104.
Mula sa 19 point deficit, hinabol ito ng Thunder para itumba ang Lakers.
Noong nakalipas na linggo, pinahiya rin ng Thunder ang Lakers nang magtala rin ng come-from-behind win mula sa 26 na kalamangan ay nahabol din.
Sa laro kanina, sinamantala ng Thunder ang kawalan ng superstar na si LeBron James dahil sa umano’y dinaranas na abdominal strain.
Aminado ang mga Lakers stars na sina Anthony Davis at Russell Westbrook na naapektuhan sila sa kawalan ni LeBron, pero mas nakakahiya na natalo sila ng dalawang beses ng isang kulelat na team.
Sa ngayon meron ng dalawang panalo ang Thunder at anim na talo, habang ang Lakers ay hawak naman ang record na 5-4.