-- Advertisements --

Muling nakalusot sa kanilang rematch ang Los Angeles Lakers laban sa Houston Rockets para sa kanilang ikalimang panalo, 119-117.

Kinailangang magdoble kayod nina LeBron James na nagpasok ng 14 points sa fourth quarter mula sa kabuang 30 points, habang sina Russell Westbrook ay nagdagdag ng 27 points at si Anthony Davis ay nagbuhos naman ng 27 points at nine rebounds.

Sa ngayon hawak na ng Lakers ang 5-3 record kasama na ang tatlong sunod na panalo matapos ang 0-2 start ngayong bagong NBA season.

Noong unang bahagi hanggang third quarter ay kinailangan din na tapatan ng Lakers ang init ng Rockets na lumamang pa sa third quarter.

Sinasabing ito ang unang pagkakataon na sina James, Davis at Westbrook ay sabay-sabay na umiskor ng 20 puntos o mahigit pa nang mabuo ang kanilang “Big Three partnership.”

Maging si Carmelo Anthony ay nagpakita rin nang impresibong performance mula sa bench nang magpasok ng tatlong 3-pointers liban pa sa 15 points.

Sa panig ng Houston ang Fil-Am rookie na si Jalen Green ay nagtala ng 24 points.

Bagamat ang second overall pick ay scoreless sa fourth naipasok naman nito ang back-to-back 3-pointers sa final minute upang makalapit sa Lakers sa huling 8.2 seconds.

Ngunit sadyang malas ang Rockets nang bigong maipasok ni Kevin Porter Jr. ang step-back 3-pointer sa huling sandali.