Mistulang nagkukumahog umano ngayon ang Los Angeles na makompleto na ang binubuong “super team” habang nalalapit ang moratorium sa free agency sa NBA.
Sa sunod na linggo kasi ay magbubukas na ang free agency at magsasaro naman ito sa July 6.
Una rito, umugong ang balita na nakuha na sa blockbuster trade ng Lakers si Anthony Davis mula sa Pelicans para i-partner sa kanilang superstar na si LeBron James.
Nakatakdang isapinal ang salary deal kay Davis sa July 6.
Samantala, target nga ng Lakers na makabuo ng powerhouse team kaya sunod na kanilang hakbang ay makakuha ng isa pang maximum salary slot na pasok sa kanilang cap space.
Puspusan umano ang negosasyon ng Lakers sa iba pang mga teams upang magkaroon na ng deal sa tatlo sa limang natitira nilang players.
Kabilang sa mga ito ay sina Mo Wagner, Isaac Bonga at Jemerrio Jones.
Sa ngayon kasi tanging makakatapos na lamang sa buong season na may kontrata ay sina Kyle Kuzma at LeBron James.
Hangad din ng Lakers na makasungkit ng magaling na player sa kanilang second-round picks sa NBA draft sa sunod na linggo.