-- Advertisements --

Magsasagawa ng workouts ang Los Angeles Lakers upang i-evaluate sina veteran NBA big men Dwight Howard at Joakim Noah.

Kasunod pa rin ito ng pagkawala ni DeMarcus Cousins dahil sa natamo nitong knee injury, kaya inaasahang hindi ito makakapaglaro sa halos kabuuan ng paparating na NBA season.

Batay sa ulat, kasama rin sa sasailalim sa evaluation ng Lakers si Marreese Speights, na huling naglaro sa NBA noong 2017-2018 season sa ilalim ng Orlando Magic.

Noong nakalipas na season, nagamit nang husto ng Memphis Grizzlies ang 34-year-old na si Noah nitong nakaraang season.

Naglista ng average na 7.1 points, 5.7 rebounds at 2.1 assists per game si Noah na sumabak sa 42 laro para sa Memphis.

Habang naharap naman sa fitness issues si Howard, na nasilayan lamang sa siyam na laro sa Washington Wizards bago sumailalim sa surgery upang ayusin ang lower back disc noong Nobyembre 29.