-- Advertisements --
KARIDA BROWN LAKERS
Karida Brown

Nais pagtibayin pa ng Los Angeles Lakers ang positibong mga pagbabago sa kanilang mga players at mga kawani.

Ito ay makaraang magtalaga ng team’s director of racial equity sa pamamagitan ni Karida Brown, isang oral historian at assistant professor of African American studies and sociology sa UCLA.

Liban dito, binigyan din ng day off ng Lakers ang kanilang mga empleyado sa araw ng Biyernes para obserbahan ang tinaguriang Juneteenth.

Ang mahalagang araw ay ika-155 taon na nagtapos ang slavery sa Amerika noong June 19, 1865.

Samantala, kabilang naman sa trabaho ni Brown ay bigyang edukasyon ang mga Lakers employees ukaol sa usapin ng “black and brown people” sa Estados Unidos at paglalatag ng mga outreach efforts upang labanan ang “systemic racism.”