-- Advertisements --
Nakaganti na rin ang Los Angeles Lakers matapos na ilampaso ang Oklahoma City Thunder sa score na 116-95.
Kumayod ng husyo ang NBA star na si LeBron James nang tumipon ng 33 points sa kanyang all-around game para itala ng Lakers ang ika-14 na panalo, sa kabila na hindi naglaro ang big man na si Anthony Davis dahil sa injury maging si Rajon Rondo.
Ito ang ikalawang pagkakataon na hindi nakalaro si Davis mula nang magsimula ang bagong NBA season.
Ang Thunder naman ay lalong nabaon sa ika-17 talo.
Mula sa first quarter hanggang sa matapos ang game ay hindi na hinayaan pa ng Lakers na makadikit pa ang kalaban.
Bumawi rin ang Lakers dahil kahapon ay pinahiya sila sa laro ng Memphis Grizzlies.