Nakaganti na rin ang Los Angeles Lakers sa mahigpit na karibal na Boston Celtics, 117-102.
Kung maalala noong nakaraang buwan ay inilampaso ng Celtics ang Lakers.
Pero sa pagkakataong ito hindi na pinabayaan nina LeBron James na may 30 points at si Russell Westbrook na nagpakita ng big game gamit ang 24 points at 11 assists upang mapahiya pa sila sa harap ng kanilang mga fans.
Maging si Anthony Davis ay umeksena rin sa kanyang 17 points at 16 rebounds para iposte ang ika-apat na panalo sa huling anim na laro.
Sa kabuuan meron ng 13-12 record ang Lakers kapareho ng Boston.
Nasayang naman ang matinding opensa na ginawa ni Jason Tatum kung saan sa first quarter pa lamang ay nagpasok na ito ng 14 points mula sa natipon na 34 points sa pagtatapos ng game.