-- Advertisements --

Kinailangan ng Los Angeles Lakers ng overtime game bago tuluyang makalusot sa Charlotte Hornets, 125-123.

Doble kayod ang ginawa nina Anthony Davis at Russell Westbrook lalo na at wala si LeBron James dahil sa dinaramdam na abdominal strain.

Nasa ikatlong games na rin na hindi nakakalaro si King James.

Samantala, nagtala si Westbrook ng triple double performance habang nag-ambag naman si Davis ng 32 points para sa kanilang ika-anim na panalo.

Ito na ang ika-185th career triple-double ni Westbrook na nagtapos sa 17 points, 14 assists at 12 rebounds.