Sumandal ang Los Angeles Lakers sa 34 points lead sa first half upang tuluyang maidispatsa ang Toronto Raptors, 110-101.
Ang pagkatalo ng Raptors ay sa kabila na kanilang biggest victory margin nitong nakaraang araw laban sa Warriors.
Todo kayod ang ginawa ng NBA defending champions kung saan pitong mga players ang nagtala sa double figures sa pangunguna ni Talen Horton-Tucker na may 17 points.
Habang si Markieff Morris ay nagpakita ng 15 points bago nawala sa game dahil sa five fouls sa third quarter.
Naging daan din sa Los Angeles sa panalo ang 60% overall sa first half at ang 29-13 rebounding advantage.
Mula nang mawala si LeBron James dahil sa injury nasa 4-5 record ang Lakers (32-19).
Sa kampo ng Raptors (20-31) si Pascal Siakam ay umiskor ng 17 sa kanyang 27 points sa fourth quarter.
Agaw pansin naman ang pagka-eject sa game sa first quarter nina Lakers player Montrezl Harrell at Toronto OG Anunoby.