-- Advertisements --
kyle korver

Nadagdagan pa ang mga NBA teams na umaasang masungkit ang serbisyo ni Kyle Korver.

Ito ay maarang iulat ni Adrian Wojnarowski ng ESPN ang nabuong deal ng Grizzlies para i-trade ito sa Suns kasama sina Jevon Carter para kay Josh Jackson, DeAnthony Melton, at dalawang future second-round picks.

Ang balaking buy out ng Phoenix sa 38-anyos na veteran NBA sniper ay makalipas lamang na kulang-kulang kalahating buwan nang i-trade din ng Jazz si Korver patungo ng Grizzlies.

Umugong ang isyu na hindi raw interesado ang Grizllies na panatilihin si Korver.

Kung mangyari ito, ang 19-year NBA veteran ay maaaring mapunta sa ikaapat na team sa loob lamang ng dalawang buwan matapos siyang maging free agent.

Kabilang pa raw sa mga teams na interesado rin kay Korver ay ang Los Angeles Lakers, Philadelphia 76ers at Bucks.

Una nang nakuha ng Laker si Anthony Davis at kailangan pa umano ng team ng solidong shooter.

Si Korver ay dating teammate ni Lakers star LeBron James noong sila ay bahagi pa ng Cavs.