Hindi umubra ang Los Angeles Lakers sa Dallas Mavericks, 104-108 sa kanilang debut sa Disney World sa Orlando, Florida.
Tulad ng inaasahan inabangan ang muling paglalaro ng mga superstars na sina LeBron James at Luka Doncic.
Pero umagaw ng pansin si Dion Waiters na nagmula sa Miami Heat.
Una rito, kinuha ng Lakers si Waiters upang punan ang pagkawala ng point guard na si Avery Bradley na hindi muna sasali sa NBA bubble.
Sa huling bahagi ng first quarter ipinasok si Waiters at agad naibuslo ang 3-pointers para ipatikim sa Lakers ang lead sa 29-22.
Si LeBron naman ay nagpakitang wala siyang masyadong kalawang nang magtapos ang 12 points, five assists at tatlong rebounds.
Si Doncic naman ay hindi rin nagpahuli na may 13 points at four assists.
Sa kabilang dako si Anthony Davis ay nagposte sa 12 points at dalawang steals.
Gayunman si Seth Curry ang nagdala sa Dallas nang mai-shoot ang anim mula sa 3-point attempts.
Sa init nang palitan ng tira ng dalawang magkaribal na team mas uminit ng husto ang Lakers na ay 63% habang ang Mavs ay nagpakita ng 53%.
Samantala sa July 31, araw sa Pilipinas magsisimula na ang restart ng games.