-- Advertisements --

Nabigong makapaglaro si LeBron James sa laban ng Los Angeles Lakers kontra sa San Antonio Spurs.

Aminado ang coaching staff ng Lakers, apektado ang kanilang beteranong superstar sa heavy load nitong nakalipas na mga araw.

Kung maalala sa huling laro ng 37-anyos na si LeBron, nagtala ito ng record breaking na performance nang magbuhos ng 56 points sa loob ng 39 minutos na pagkakababad sa paglalaro.

Sinasabing nakakaranas ng pamamaga sa kanyang kaliwang paa si James.

Ang hindi paglalaro ni James ay nagpadagdag sa kamalasan ng Lakers dahil magtatagal pa bago makabalik sa games ang kanilang big man na si Anthony Davis.

Namemeligro rin ang kalagayan ng Lakers bunsod na nasa pang-siyam itong puwesto at delikado pa na hindi pumasok sa play-in tournament.

Samantala sa laro kanina laban sa Spurs nasilat nila ang Lakers, 117-110.