-- Advertisements --
Itinuturing ni Los Angeles Lakers owner Jeanie Buss na parang nawalan na siya ng miyembro ng pamilya sa pagpanaw ni Kobe Bryant at anak nitong si Gianna.
Sinabi nito na mula pa noong 1996 ay kilala na nito ang NBA legend sa pamamagitan ng ama nitong si Jerry Buss.
Naging matindi ang epekto nito sa kaniya kaya umabot pa ng ilang araw bago maglabas siya ng pahayag sa pagkasawi ni Bryant.
Kuwento pa nito ng pumanaw ang kaniyang ama noong 2013 ay si Bryant at isinama ang anak nito ang lumapit sa kaniya para ipakita na may kakayahan ang mga kababaihan sa basketball.
Nagpaabot na rin ito ng pakikiramay sa mga naiwan ni Bryant lalo sa asawang si Vanessa mga anak na si Natalia, Bianka at Capri.