-- Advertisements --
IMG 20200927 114500
Screenshot 20200927 115326 com.twitter.android

Pasok na sa NBA Finals ang Los Angeles Lakers matapos ilampaso sa Game 5 ang Denver Nuggets, 117-107, sa Western Conference finals na ginaganap sa Lake Buena Vista, Florida.

Para kay LeBron James makasaysayan din ang pag-usad dahil ito na ang kanyang ika-10 pagtuntong sa NBA Finals.

Sa Lakers, Inabot din ng isang dekada bago makatikim ulit ng finals ang team.

Dinomina ni James ang game nang magposte ng kanyang ika-27 postseason triple-double performance.

Hindi nagpapigil si LeBron kung saan nagtapos ito sa 38 points, 16 rebounds at 10 assists.

Siya rin ang ika-apat na player na umabot sa ika-10 NBA Finals.

Sa ngayon mag-aantay ang Lakers kung sino ang mananalo sa Eastern Conference finals sa pagitan ng Boston at Miami.

Samantala bumida rin naman sa game si Anthony Davis na umiskor ng 27 points kahit may iniindang injury nitong nakalipas na araw.

Ito ang magiging unang finals appearance ni Davis.

Sa panig ng Nuggets nagpakita ng tig-20 points sina Nikola Jokic at Jerami Grant, habang si Jamal Murray ay nagdagdag ng 19 points at eight assists.

Napansin naman na medyo inalat si Murray kumpara sa nakalipas niyang explosive games.