-- Advertisements --

Pinahiya ng Los Angeles Lakers ang Milawaukee Bucks sa sarili nitong homecourt matapos ang 107 – 102 comeback win sa kanilang preseason match.

Hawak ng Bucks ang 6-point lead sa pagtatapos ng first half at pinaabot pa sa 8 points sa pagtatapos ng ikatlong quarter.

Gayunpaman, biglang nagbuhos ang Lakers ng 33 points sa 4th quarter habang umabot lamang sa 20 points ang nagawang ipasok ng Bucks.

Nagpasok ng 14 pts. si Lakers forward Rui Hachimura habang 13 points 8 rebounds naman ang kontribusyon ni Dalton Necht sa naging panalo ng Lakers.

Sa Bucks, kumamada ng 23 points ang bench player na si Bobby Portis Jr sa loob lamang ng 15 mins. na paglalaro habang 20 points 7 rebounds naman ang ambag ni 2-time NBA MVP Giannis Antetokounmpo.

Naging maganda ang banggaan ng dalawang koponan kung saan kapwa kumamada ang mga ito ng mahigit 40 points sa paint area.

Gayunpaman, nagpakita ng mas aggresibong opensa ang Lakers matapos itong kumamada 17 offensive rebound habang sampu lamang ang nagawang kasagutan ng Milwaukee.