-- Advertisements --
Pinasilip na ng Los Angeles Lakers ang magiging uniporme ni Bronny James ang anak ni NBA Star LeBron James.
Makikita sa inilabas na larawan ng koponan na may suot na numero 9 si Bronny at nakalagay na “JR” sa apeliyedo nito.
Unang plano ng 19-anyos na si Bronny na isuot ang numero 6 na kaniyang numero noong USC Trojans subalit ito ay niretiro na ng Lakers na numero ni NBA legend Bill Russel.
Pangalawang choice nito ay numero 0 na kaniyang jersey number sa Sierra Canyon pero ito mula sa teammates niyang si Jalen Hood-Schifino kaya nagdesisyon na baligtarin na lamang ang numerong 6.
Magugunitang napili bilang pang-55 na draft si Bronny kung saan gagawa ng kasaysayan sila sa NBA na tanging mag-ama na magkasama sa koponan.