-- Advertisements --
Ligtas umano sa sintomas ng coronavirus ang lahat ng mga players ng Los Angeles Lakers.
Ito’y dalawang linggo makaraang magpositibo umano sa virus ang dalawa sa mga manlalaro ng koponan.
Sa anunsyo ng team, kahit COVID free na ang mga players, tatalima pa rin sila sa health and safety guidelines na inilatag ng gobyerno ng Amerika.
Noong Marso 19, dalawang Lakers players daw ang COVID positive, ngunit hindi naman isinapubliko ang pagkakakilanlan ng mga ito.
Una nang nagpasuri ang Lakers matapos magpositibo sa COVID ang apat na players ng Brooklyn Nets, na nakalaban pa ng Los Angeles noong Marso 10.
Kinabukasan naman nang ianunsyo ng NBA na pansamantala munang suspendido ang mga laro sa liga dahil sa banta ng virus.