-- Advertisements --

Kinansela ng Los Angeles Lakers ang kanilang practice matapos na magpositibo rin sa COVID-19 ang kanilang point guard na si Talen Horton-Tucker.

Lilipad na sana ang Lakers patungong Dallas upang harapin bukas ang Mavs.

Gayunman na-delay ang flight dahil sa sitwasyon ni Horton-Tucker.

Kung nagkataong sumakay ito ng eroplano, marami pa sanang players ang na-expose sa kanya.

Sa ngayon siya ang tanging member ng Lakers ang inilagay sa NBA health and safety protocols.

Kadalasan kapag ang isang player sa NBA ay nagpositibo sa COVID, inaabot ng 10 araw ang isolation at kailangan ang negative RT-PCR tests pa.

Bago ito, una nang napaulat din ang outbreak ng virus sa mga players ng Chicago Bulls.

Ang Brooklyn Nets naman, umabot sa pitong players ang isinailalim din sa quarantine.