-- Advertisements --

Sisimulan ng Los Angeles Lakers ang preseason nito kontra sa Minnesota Timberwolves bukas, Oct. 5.

Bagaman hindi gaanong naglalaro ang mga star player sa mga preseason games, masisilayan na ang bagong hitsura ng dalawang team matapos ang ilang serye ng pagbabagong ginawa sa nakalipas na offseason.

Sa Lakers, makakasama ng team ang bago nitong sentro na si Christian Koloko matapos siyang pumirma ng two-way contract.

Masusubukan din ang bago nitong head coach na si JJ Redick, habang inaabangan din ng marami ang paglalaro ng anak ni Lakers superstar Lebron James na si Bronny James.

Sa panig ng Wolves, pangungunahan na ito ni Anthony Edwards matapos pakawalan ng koponan ang bigman na si Karl-Anthony Towns.

Makakasama rin ng Wolves sina Julius Randle at Donte Divicenzo na kapalit ng tinaguriang big-KAT.

Ang mga resulta ng preseason ay hindi kasali sa kabuuan ng NBA Regular Season bagkus, nagsisilbi lamang ang mga ito bilang season warmup.