-- Advertisements --
Tatangkain ng Los Angeles Lakers na tuldukan ang apat na sunod na pagkatalo sa pagdayo ng Cleveland Cavaliers sa kanilang court.
Labis kasi naapektuhan ang mga laro ng NBA defending champion dahil sa kawalan ng star players nila ng magkaroon ng calf injury si Anthony Davis at ankle injury naman si LeBron James.
Huling tinalo kasi sila ng Philadelphia 76ers 109-100 sa mismong homecourt nila.
Amindo si Lakers coach Frank Vogel na nangangapa sila dahil hindi pa tiyak ang pagbabalik sa laro nina Davis.