-- Advertisements --

Umaasa ang defending champion na Los Angeles Lakers na makakabawi sa kanilang next game sa Linggo, matapos malasap ang ikalawang sunod na talo kanina kontra sa Detroit Pistons, 107-92.

Maging ang NBA superstar na si LeBron James ay inalat din sa unang bahagi ng laro.

Umabot lang sa dalawang puntos ang naipasok ni James pagkatapos ng first half.

Sa pagtatapos nagtala si LeBron ng 22 points at 10 rebounds.

Sinamantala ng Detroit ang hindi paglalaro ni Anthony Davis dahil sa injury.

Nanguna naman sa opensa ng Detroit si Blake Griffin na may 23 points para sa kanilang ikalimang panalo pa lamang.

Pero ang Lakers ay top team pa rin na nakatipon na ng 14 wins.

Sa Linggo inaasahan ng Lakers na babalik ang kanilang init sa pagharap nila sa Boston Celtics.