-- Advertisements --
lakers Davis

Bumida si Anthony Davis sa ikalawang panalo ng Los Angeles Lakers sa Game 2 laban sa Denver Nuggets, 105-103.

Dahil dito ibinaon pa ng Lakers sa 2-0 lead ang serye sa best-of-seven series sa Western Conference finals.

Una rito, meron na lamang 2.1 seconds ang nalalabi sa fourth quarter at tabla ang score sa 103.

Inilabas ni Rajon Rondo ang bola at biglang ipinasa sa All-Star forward na si Davis na nasa sa three point area. eksakto namang pumasok sa ring ang bola na siya namang pagtunog ng bell bilang hudyak nang pagtatapos ng laro.

Ang three points shot ni Davis ay nagbigay ng tatlong puntos na kalamangan para sa LA.

Kumamada ng kabuuang 31 big points si Davis.

Si LeBron James naman ay nag-ambag ng 26 points at 11 rebounds.

Sa panig ng Denver nasayang ang 30 points ng big man na si Nikola Jokic at si Jamal Murray ay nagpakita ng 25 points.

Ang Game 3 ay gagawin sa Miyerkules.