Nakalusot ang Los Angeles Lakers sa kanilang panibagong panalo laban sa Minnesota Timberwolves, 108-103.
Muli na namang nanguna si LeBron James na kumamada ng 26 points, seven rebounds, five assists at tatlong steals sa kanyang all-around game kung saan siya muna ang pansamantalang tumatayong center.
Ito na ang ikatlong games na nanalo ang Lakers habang si James ang sentro dahil sa kakulangan ng kanilang players.
Bagamat panalo nga ang Lakers, lumabas naman sa statistics na mas maraming rebounds ang nakuha ng Wolves, 56-28.
Ang Timberwolves ay kulang din ng players dahil nasa quarantine pa sina D’Angelo Russell at Karl Anthony-Towns.
Ang Lakers naman ay may mga injuries sina Anthony Davis at Kendrick Nunn.
Sa ngayon hawak ng LA sa West ang 19-19 record, samantalang sumadsad naman ang Minnesota sa 16-20.