-- Advertisements --

FLORIDA – Arestado ang isang lalaki sa Estados Unidos na naninira ng mga nakahintong electric scooters sa kanilang komunidad.

Ayon sa Fort Lauderdale Police Department, nakilala ang suspek na si Randall Williams, 59.

Sa imbestigasyon ng mga otoridad, aabot sa 140 scooters ang pinutulan ng break cable o kaya ay na-vandalized.

Gawain umano ni Williams na sirain ang QR code ng mga motor at isabotahe ang function nito para sa hindi nito maipaliwanag na rason.

Nangyayari umano ang hakbang ni Williams kapag gabi, kaya binantayan ito ng mga pulis, hanggang sa tuluyan siyang masukol.

Pero dahil 20 scooters lamang ang nakita ng mga otoridad na actual na sinira ni Randall, pinagbayad lamang siya ng $1,400 at hindi na siya siningil para sa iba pang naunang nasira.