KALIBO, Aklan-Patay ang isang 34-anyos na lalake makaraang binaril sa Barangay Cayangwan, Makato, Aklan.
Kinilala ni P/Major Belshazzar Villanoche ng Makato Police Station ang biktimang si Jhonny Taglay habang ang suspek naman ay si Rodel Tambong, 37, at kapwa residente ng nasabing lugar.
Batay sa paunang imbestigasyon ng pulisya, nangyari ang insidente dakong alas-9:00 ng umaga ngunit dakong alas-11:00 na nakita ang biktima na may tama sa mukha, naliligo sa sariling dugo at wala ng buhay.
Dagdag ni Villanoche, inamin umano ng suspek na siya ang may kagagawan ng krimen gamit ang 12 gauge shot gun upang makaganti dahil sa pagsalakay sa kaniya ng biktima gamit ang espading.
Kasalukuyang nakakulong sa himpilan ng pulisya ang nasabing suspek at nahaharap sa karampatang kaso.