-- Advertisements --

Binawian ng buhay ang binata sa pamamaril sa probinsya ng Cotabato.

Nakilala ang nasawi na si Leo Alcaraz alyas Avatar, 22-anyos, binata,jobless at residente ng Barangay Poblacion 2 Midsayap North Cotabato.

Ayon kay Midsayap Chief of Police Lieutenant Colonel Glenford Dumaque Alberto,na habang naglalakad ang biktima sa madilim na bahagi ng Purok 1, Upper Glad I, Midsayap, Cotabato ay inabangan ito ng dalawang hindi suspek at pinagbabaril gamit ang kalibre.45 na pistola.

Agad namang tumakas ang mga suspek sakay ng motorsiklo.

Naisugod pa si Alcaraz sa pagamutan ngunit hindi na ito umabot ng buhay nang magtamo ng tatlong tama ng bala sa kanyang katawan.

Sinabi ni Lt/Colonel Alberto na ang biktima ay kakalaya lamang sa kulungan nitong Hulyo 14, 2020 fahil sa kaso nang pagnanakaw at iba pa.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Midsayap PNP sa pamamaril patay sa biktima.