-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Nahuli ang isang lalake nang magwala at nagpaputok ng kaniyang baril sa sobrang kalasingan sa Banisilan, Cotabato.

Nakilala ang suspek na si Tegi Pedro Sundad, 23 anyos, may asawa at residente ng Sitio Rancho Barangay Wadya Banisilan Cotabato.

Ayon kay Banisilan Chief of Police Captain Bernard Abarquez na nag-iinuman lamang ang suspek kasama ang kaniyang mga kaibigan hanggang sa ito ay malasing at sa hindi malamang dahilan ay bigla na lamang itong nagwala.

Hindi pa nakuntento ay kinuha pa nito ang kaniyang baril at nagpoaputok.

Dahil dito, butas tuloy ang atip ng bahay ng kaniyang bayaw at nagdulot din ito ng takot sa mga residente sa lugar kung kaya’t kanila itong sinumbong sa mga otoridad.

Agad nahuli ang suspek nang magresponde ang mga pulis at mga BPAT.

Nabawi sa suspek ang kanyang baril at ng itoy kapkapan ay nakuha ang dalawang pakete ng shabu.

Sa ngayon ay nakapiit na ang suspek sa costudial facility ng Banisilan PNP at sasampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 10591 o ang Election Gun Ban at paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.