VIGAN CITY – Patay ang isang lalake matapos aksidente makalabit ang hawak nitong 12 gauge shotgun sa Brgy. Nansuagao, Caoayan
Nakilala ang biktima na si Efren Quicio Quedado, 50-anyos, single at residente ng nasabing barangay.
Sa panayam ng Bombo Radyo Vigan kay PMaj. Henry Garcia, hepe ng Caoayan Municipal Police Station, umaga ng makatanggap sila ng report hingil sa nangyayaring away ng magkapatid na Efren at Elvis Quicio kaya agad na nagtungo ang kapulisan sa nasabing lugar.
Aniya, nadatnan na lamang ng mga otoridad nanaliligo sa kanyang sariling dugo ang biktima na may isang tama ng 12 gauge shotgun sa kanyang dibdib.
Bago makarating ang mga pulis umalis na sa lugar ang kanyang kapatid upang hindi na lumala ang sitwasyon.
Pumasok sa kaniyang bahay ang biktima upang itago ang kanyang baril ng makitang paparating ang mga pulis ngunit aksidente nitong nakalabit ang gatilyo na sanhi ng kanyang pagkamatay.