-- Advertisements --

NAGA CITY-Patay ang isang lalake pagkatapos na pagbabarilin sa Lucena City.

Kinilala ang biktima na si Noel Reyes De Leon, 47 anyos, residente ng Barangay 8, sa nasambitan nang lugar.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, alas 2:50 ng umaga nang narinig ng isang witness ang boses ng isang lalake na nagsabi ng “Hindi ako ‘yon,” kung saan pagkatapos ay nakarinig na ito ng apat na putok ng baril.

Nang tiningnan ng witness kung ano ang nangyayari galing sa loob ng bahay nito, dito na nito nakita ang anino ng suspek na si alyas “Bin Laden” na paalis na sa pinangyarihan ng krimen.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, pagkatapos na gawin ang krimen, agad na tumakas ang suspek dala ang ginamit nitong baril papunta sa hindi pa nalalamang direksyon.

Nakuha naman sa pinangyarihan ng krimen ang tatlong basyo ng bala.

Kaagad na dinala ng mga rumespondeng pulis ang biktima sa isang ospital, ngunit binawian lang rin ito ng buhay.

Sa ngayon, hindi pa alam ang motibo kung bakit ito pinagbabaril. Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad tungkol sa nabanggit na insidente.