CENTRAL MINDANAO-Binawian ng buhay ang isa katao sa pamamaril sa probinsya ng Cotabato.
Nakilala ang biktima na si Zahabudin Ayao alyas Datu King na residente ng Sitio Cantuan Barangay Manaulanan Pikit Cotabato.
Ayon kay Pikit Chief of Police Lieutenant Colonel John Miridel Calinga na lulan ang biktima sa kanyang motorsiklo sa Barangay Poblacion Pikit Cotabato malapit sa public market ng itoy pagbabarilin ng mga hindi kilalang suspek gamit ang kalibre.45 na pistola.
Mabilis namang tumakas ang mga suspek sakay ng motorsiklo patungo sa direksyon ng Maguindanao Del Sur.
Patay on the spot ang biktima nang magtamo ng tama ng bala sa ulo at likod.
Personal na alitan ang natatanaw ng mga otoridad na motibo sa pamamaril sa biktima na patuloy nilang iniimbestigahan.