-- Advertisements --
CENTRAL MINDANAO – Patay ang isang lalake sa pamamaril sa probinsya ng Maguindanao.
Nakilala ang biktima na si Junjun Galagar,37 anyos,may asawa at residente ng Brgy Awang Datu Odin Sinsuat Maguindanao.
Ayon sa ulat ng pulisya sakay ang biktima sa kanyang motorsiklo patungo sa bahay ng kanyang tiyahin sa Sitio Lomboy Brgy Awang sa bayan ng Datu Odin Sinsuat ng itoy pagbabarilin ng riding in tandem suspects gamit ang kalibre.45 na pistola.
Mabilis namang tumakas ang mga salarin patungo sa liblib na lugar sa Datu Odin Sinsuat.
Patay on the spot ang biktima nang magtamo ng tama ng bala sa kanyang ulo at dibdib.
Personal na atraso ang natatanaw ng mga otoridad sa pamamaslang sa biktima na patuloy nilang iniimbestigahan.