KALIBO, Aklan- Dead on arrival sa pagamutan sa bayan ng Kalibo ang isang lalake makaraang sinaksak ng nakaalitan na motorcycle rider sa Barangay Tambuan, Malinao, Aklan.
Kinilala ang biktimang si Nomer Icawalo, 35, at residente ng nasabing lugar na nagtamo ng malalang sugat sa magkabilang dibdib habang ang suspek naman ay si Rico Berlandino, 18, nakatira sa Barangay Cabayugan sa naturang bayan.
Batay sa paunang imbestigasyon ng Malinao Police Station, nagkasabay sa daan ang dalawa kung saan, sinigawan at minura umano ng biktima ang suspek dahilan upang magalit ito at kaagad na hinarang ang motorsiklo ni Icawalo.
Dito na aniya inilabas ng suspek ang kanyang patalim at kaagad na sinaksak sa magkabilang dibdib ang biktima na naging dahilan ng kanyang agarang pagkamatay.
Samantala, makaraan ang ilang oras na paghahanap ay naaresto si Berlandino at kagaad naman nitong inamin ang nasabing krimen.
Sa ngayon ang nasabing suspek ay nakakulong na sa himpilan ng pulisya at nahaharap sa karampatang kaso.