-- Advertisements --

NAGA CITY-Timbog ang isang lalake sa Tiaong, Quezon, pagkatapos ang isinagawang buy-bust operation dito.

Kinilala ang suspek na si Lester, 34 anyos, residente ng Sitio Silangan, Brgy. Lagalag, Tiaong, Quezon.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, naaktuhan aniya na nagbebenta ng isang pirasong heat-sealed transparent plastic sachet ng pinaniniwalaang shabu ang suspek sa poseur-buyer ng mga awtoridad, rason kung bakit ito inaresto on the spot.

Nang kinapkapan ang suspek nakuha pa rito ang isa pang heat-sealed transparent plastic sachet ng pinaniniwalaang ilegal na droga na may bigat na 5.49 grams at nagkakahalaga ng ₱111,996.

Sa ngayon, dinala na ang suspek sa Tiaong Municipal Station para sa karampatang disposisyon.