-- Advertisements --

Nanalo ng $177,749 o katumbas ng P10,300,554.55 ang isang lalake na nag-aakalang naglalaro lamang sa isang online demo lotto.

Sa naging kwento ni Alphonzo Oates, residente ng Raleigh, North Carolina, inakala umano niyang isang demonstration mode lamang ang kaniyang nilarong online lottery game sa kaniyang cellphone.

Agad naman siyang nakapag-score ng top-level ‘Epic Jackpot’ sa naturang online game, matapos ang ilang sandaling paglalaro.

Kinalaunan, napagtanto na lamang nya na totoong lottery game ang kaniyang nilaro at nanalo siya ng mahigit $177,000 mula sa isang dolyar na kaniyang ibinayad para makapaglaro ng online game.

Noong pumunta ito sa outlet upang i-verify, sinabihan din siyang totoong lottery game ang kaniyang nilaro at maaari na niyang makuha ang napanalunang premyo, salig sa lokal na batas ng North Carolina.

Sa panayam kay Oates matapos makuha ang premyo, sinabi niyang gagamitin niya ang mahigit sampung milyong piso na kaniyang napanalunan bilang pambayad sa tuition ng kaniyang anak na nasa huling taon na sa kolehiyo.

Ayon kay Oates, mas masaya ang Christmas niya sa hindi inaasahang panalo mula lamang sa biglaang paglalaro.