-- Advertisements --

CAUAYAN CITY- Dinakip sa bayan ng Aglipay, Quirino ang isang suspect sa panggagahasa sa Ormoc City.

Sa bisa ng warrant of arrest kasong kasong rape ay dinakip si Rolan Espinosa , 32 anyos, tubong Leyte at pansamantalang naninirahan sa Purok 7, Dungngo, Aglipay, Quirino.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan sa Quirino Police Provincial Office, mahigit tatlong taon na nagtago sa batas ang suspect na naaresto sa Aglipay Quirino dahil sa pagiging number 8 Most Wanted Person ng Ormoc City.

Batay sa talaan ng mga otoridad naganap ang panggagahasa noong Abril 2014 sa noon ay 12 anyos pa lamang ang batang biktima.

Dinakip si Espinosa ng magkasanib na puwersa ng Aglipay Police Station, Ormoc City Police Station 3, Provincial Intelligence Unit, Quirino Police Provincial Office, CIDG Quirino Provincial Field Unit at Regional Intelligence Unit 2.

Dinala sa Aglipay Police Station ang pinaghihinaalaan bago ipinasakamay sa mga kasapi ng Ormoc City Police Station 3.