-- Advertisements --

HIMAS REHAS ang isang wanted person sa kasong rape na kinilalang si Faisal Ara Guiapar alias “Tongan”, residente ng Brgy. Prk., Narra, Bagua II, Cotabato City, ang nadakip ng mga otoridad sa Datu Odin Sinsuat, Maguindanao Del Norte nitong Lunes. (June 24, 2024)

Ang naturang suspek ay may kasong 7 counts of rape by sexual assault issued by 12th Judicial Region, Branch 27, sa lungsod ng Cotabato.

Sa kasalukuyang nakadeteni ang suspek sa lock-up cell ng Datu Odin Sinsuat Municipal Police Station.