NAGA CITY – Nasa kustodiya na ngayon ang 40-anyos na lalaki matapos umanong habulin ng itak ang sarili nitong ina sa Barangay Antipolo, Tinambac, Camarines Sur.
Kinilala ang suspek na si Allan Maravilla.
Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Camarines Sur Police Provincial Office, tinurn-over ng mga barangay tanod sa himpilan ng pulisya ang nasabing suspek matapos na ireklamo ng kanyang ina na si Evelyn Maravilla, 58-anyos.
Napag-alamang nagkasagutan umano ang mag-ina sa hindi pa malamang dahilan na ikinagalit ng suspek.
Pumunta umano ito sa kanilang kusina at kumuha ng itak at hinabol ang kanyang ina sa loob ng kanilang bahay.
Nakatakas naman ang biktima at nakahingi ng tulong sa kanilang barangay at hinuli ang suspek.
Sa ngayon posibleng maharap sa kasong attempted parricide ang nasabing suspek.