-- Advertisements --

LEGAZPI CITY- Arestado ang isang lalaki matapos na mabisto ang tangka nitong pagpasok ng ipinagbabawal na tabako sa Legazpi City Jail sa Albay.

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay JSInsp. Fernan Sunga ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP)- Legazpi, ipinalaman umano ng hindi na pinangalanan pang lalaki ang mga tabako na nagkakahalaga ng P10,000 sa loob ng instant noodles na balak sanang ibigay sa isa sa mga nakakulong na Person Deprived of Liberty (PDL).

Subalit nadiskobre ito ng mga tauhan ng pasilidad ng nagsagawa ng inspeksyn sa pagkain kung kaya agad na inaresto ang suspek.

Base sa pahayag ng suspek ipinaabot lamang umano sa kanya ang nasabing limang supot ng instant noodles.

Sa ngayon pinalaya na muna ang lalaki subalit binigyan ito ng tiket at pinagmumulta ng P5,000 habang maaari pang makulong at permanente ng ma-ban sa pagbisita sa city jail kung hindi makakabayad.

Nabatid na ngayon buwan lamang ng isa ring lalaki ang mahuli matapos na magtangkang magpuslit ng tabako sa dala nitong bilao.