-- Advertisements --
BACOLOD CITY – Kulungan ang bagsak ng isang lalaki sa Negros Oriental matapos umanong patayin sa saksak ang kanyang sariling ama.
Kinilala ang suspek na si Arnel Carillo, 30; habang ang biktimang ama nito ay si Carlito, 56.
Batay sa ulat, tinaga ng anak ang kanyang ama makaraang magtalo ang mga ito.
Agad naman humingi ng saklolo ang ina ng suspek matapos madatnan ang duguang katawan ng asawa.
Sa ngayon nasa Canlaon City PNP na ang suspek na mahaharap sa kasong parricide.