-- Advertisements --

ROXAS CITY – Inaresto ng mga pulis ang isang lalaki na suspek umano sa panggagahasa sa isang barangay kagawad na babae sa isang bayan sa lalawigan ng Capiz.

Base sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Roxas sa Women and Children Protection’s Desk ng pulisya, isang 40-anyos na barangay kagawad ang hindi na pinangalanang biktima na may live-in partner at limang mga anak.

Ang suspek naman ay may edad na 37-anyos.

Nabatid na nangyari umano ang panghahalay sa biktima pasado ala-una ng umaga nang pinasok ito ng suspek sa kaniyang kwarto na may bitbit pa umanong kutsilyo.

Dagdag pa rito, pwersahan umanong dinala ng suspek sa likod ng bahay ang biktima at dito ginawa ang kaniyang panghahalay.

Matapos ang pangyayari ay humingi ng tulong sa mga kapulisan ang biktima kung kaya’t kaagad ding naaresto ang suspek.