-- Advertisements --

KALIBO, Aklan – Kulong ang isang lalaki makaraang magsangla ng mga pekeng alahas sa tatlong pawnshop sa Kalibo, Aklan.

Sinasabing ang suspek ay gumagamit ng mga IDs na may pangalang Bong Alcantara, James Prado, Delfin Albao at Allan Asera.

Ayon sa branch manager ng isang pawnshop na tumangging magpabanggit ng pangalan, hindi niya napansin na peke ang singsing na isinangla sa kanila sa halagang P6,000 dahil medyo makapal ang coating ng ginto nito.

Napag-alaman na maliban sa kanila ay dalawa pang pawnshop ang nabiktima ng suspek.

Muli umanong bumalik ang lalaki upang kunin ang naiwang ID dahilan na tumawag na sila ng pulis at nahuli ang suspek.

Inaalam pa ng pulisya kung sino ang tunay na pagkakakilanlan ng lalaki at kung sino ang mga kasamahan nito.