-- Advertisements --

Arestado ang isang lalaki matapos na silaban ang Christmas tree ng Fox News sa kanilang headquarters sa New York City.

Kinilala ang suspek na si Craig Tamanaha na inaresto matapos ang insidente.

Base sa imbestigasyon ng mga otoridad, inakyat ng suspek ang 50 talampakan na Christmas tree na matatagpuan sa 48th Street bago nito sunugin.

Inihahanda na ng mga otoridad ang kasong criminal mischief, reckless endangerment at arson.

Mabilis namang naapula ng mga rumespondeng bumbero ang sunog.