Arestado ang isang lalaki dahil sa pagtangka nitong pagpasok sa apartment na tinutuluyan ni Taylor Swift sa Manhattan, New York.
Kinilala ang suspek na si Hank Johnson, 52, matapos na itawag sa mga kapulisan na ito ay nakapasok na sa apartment na tinitirahan ng singer.
Kinasuhan na siya ng criminal trespass at pinayagang pansamantalang makalaya.
HIndi lamang ito ang unang beses na pinasok ng mga lalaki ang bahay ng singer dahil noong 2018 ay nabigyan ng restraining order ang isang lalaki na nagtangkang pumasok sa bahay nito habang armado ng panaksak.
Ang isa naman ay nagpadala ng sulat at binantaan ang singer na kaniya itong papatayin at gagahasain.
Mula noon ay nagbibitbit na ang singer ng mga bandages para gamitin sakaling ito ay atakihin ng mga stalkers.