-- Advertisements --
taylor swift
Taylor Swift

Arestado ang isang lalaki na nagtangkang pumasok sa bahay ni Taylor Swift.

Mabilis na tumawag ng kapulisan ang singer at naaresto ang suspek na si David Page Liddle.

Nakuha ng kapulisan sa Westerly, Rhode Island sa 32-anyos na suspek ang baseball bat, lock picks at crowbar.

Depensa ng suspek na nais lamang niyang magpatulong sa singer para sa kaniyang music career.

Inihahanda na ng mga kapulisan ang kaso laban sa naarestong suspek.