TACLOBAN CITY- Wala ng buhay at naligo sa kanyang sariling dugo ng madatnan ng kapulisan ang isang lalaki makaraang ito ay barilin ng dalawang lalaki na sakay ng motorsiklo habang nanunuod ng basketball sa Barangay Hamorawon, Calbayog City.
Kinilala ang biktima na si Aris Querubin, 46 anyos at residente ng nasabing lugar.
Batay sa ulat ng Calbayog City Police Station, nanunuod lamang umano ng basketball ang biktima kagabi nang may dalawang armadong lalaki na sakay ng motorsiklo ang biglang sumulpot at agad na pinagbabaril ang biktima.
Nagtamo naman ng tama ng bala sa kanyang ulo at likurang bahagi ng kanyang katawan ang biktima matapos na malapitan at paulit-ulit itong binaril ng isang suspek na agad niyang ikinasawi.
Kasalukuyan inaalam pa ng pulisya ang motibo sa nangyaring pamamaril at agad namang inalarma at naglunsad ng mas pinaigting na checkpoint ang kapulisan para sa agad na ikadarakip ng mga suspek.
Nanawagan naman ngayon ng hustisya ang pamilya ng bitima.