-- Advertisements --

LAOAG CITY – Kinumpirma ni Police Captain Jospeh Calderon, ang chief of police ng PNP-Dingras ang pagbigbigti ng isang lalaki sa Barangay Puruganan sa naturang bayan.

Kinilala ni Calderon ang biktima na si Edward Delaro, 23-anyos, walang asawa, walang trabaho at residente sa naturang barangay.

Ayon kay Calderon, nadiskubre ng kapatid ng biktima na nakasabit na ito sa loob ng bahay, at agada umanong itinakbao sa Dingras District Hospital ngunit idineklarang dead on arrival.

Lumalabas aniya sa kanilang imbestigasyon na nag dahilan ng pagpapakaamatay ng biktima ay dahil na-depress matapos silang mag-away ng kanyang kasintahan.

Inihayag pa ni Calderon na base sa mga nabasang mensahe sa cellphone ng biktima ay sinabi nito sa kanyang girlfriend na bisitahin ang kanyang puntod, at mga sinabihang “once a cheater, always a repeater”.

Dagdag nito na kung ginusto sana nang biktima na mabuhay pa kahit nakabitin na ay may kakapitan itong kawayan at upuan na pwedeng tungtungan.