-- Advertisements --

Inaresto ng mga otoridad ang isang lalaki na nagbanta ng pagtanim ng bomba sa Coachella Music and Arts Festival.

Ang suspek na si Davis Darvish, 40-anyos at residente ng Santa Monica ay inaresto matapos na nagbanta ng pagbomba.

Nilapitan nito ang security guard sa Southern California casino at doon ibinunyag ang plano.

Matapos ang isang oras ay agad itong dinampot ng kapulisan mula sa Cathedral City.

Hinalungkat ng mga kapulisan ang sasakyan nito at wala namang nakitang mga bomba o pasabog ang kapulisan.

Inirekomenda ng korte na pagbabayad ng suspek ng $1-milyon para sa kaniyang pansamantalang kalayaan.

Ang taunang Coachella festival ay dinadaluhan ng mga sikat na artista at banda sa US.