-- Advertisements --

CAUAYAN CITY – Mahaharap sa kasong paglabag sa paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) ang isang lalaking dinakip sa isinagawang drug buybust operation matapos maaktuhang nagbebenta ng illegal na droga sa Barangay Cabisera 8, Ilagan City.

Ang dinakip ay si Aldrin Pagulayan, 36 anyos, may-asawa residente ng nasabing barangay .

Dinakip ang suspect ng pinagsanib na puwersa ng MASA Masid, Ilagan City Police Station at PDEA region 2.

Nabili sa suspect ang isang heat sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng isang libong piso.

Itinuturing ang suspect na street level individual drug watchlist personalities at inihahanda na ang kaso laban sa kanya.