-- Advertisements --
virac

LEGAZPI CITY – Kinumpirma ng Catanduanes Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC) na isa ang naiulat na nawawala sa barangay Dugi San Vicente, Virac matapos ang pagdaan ng bagyong Jenny.

Sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi kay Catanduanes PDRRMO head Jerry Beo, mula umano sa sakahan ang biktimang si Randy Antonio at pauwi na sa kanilang tahanan nang tangayin ng malakas na agos ng tubig sa Sto. Domingo River na tumaas ang lebel dahil na ulan na dala ng bagyo.

Agad naman na nag-report ang isang residente na nakakita sa insidente kaya’t mabilis na naglunsad ng operasyon ang barangay officials subalit hindi na nahanap pa ang biktima.

Nakatakdang ipagpatuloy ng mga otoridad ang search and rescue operation ngayong araw at umaasang mahahanap pa ng buhay ang nawawalang magsasaka.

Maliban sa insidente, wala naman na naiulat na landslide o lahar flow sa lugar bagaman may ilang barangay ang binaha.